IMUS City Government Center — Natutunan ng 289 na kabataang Imuseño ang mahahalagang kaalaman sa pagsisimula at pagpapatakbo ng negosyo sa ginanap na “AArangkada ang Negosyanteng Kabataan: Junior Business Leader Summit 2023” nitong Setyembre 26, 2023. Ibinahagi ng panauhing tagapagsalita na si Paulo Tibig ang kaniyang mga kaalaman pagdating sa pagsisimula at pagpapalago ng negosyo. Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga kabataan na hangad niyang magsilbing inspirasyon sa mga ito. Ang Junior Business Leader Summit 2023 ay pinangunahan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) at Local Council for the Protection of Children (LCPC). Bahagi rin nito sina LEDIPO Officer-in-charge Jhett Vilbar-Lungcay, LCPC Focal Person Jericho Reyes, at City Information Officer Ervin Ace Navarette. Buong suporta ang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga inisyatiba ng mga kabataang Imuseño tungo sa kanilang maunlad na kinabukasan.