IMUS, Cavite — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang tatlong araw na
talakayan patungkol sa iminungkahing pondo ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang
Lungsod ng Imus para sa taong 2024 noong Setyembre 6 hanggang 8, 2023.
Tinatayang nasa P3.1 bilyon ang kabuuang pondo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa
susunod na taon. Gugugulin ito ng lokal na pamahalaan sa mga serbisyo, programa, at
proyektong patuloy na magpapaunlad sa lungsod.
Kabilang na ang mga programa at proyektong bahagi ng five-point agenda ni Mayor AA: ang
kalusugan, edukasyon, at serbisyo publiko, mabuting pamamahala, pabahay at kabuhayan,
imprastraktura, at kapaligiran.
Ipinahayag naman ni Mayor AA ang determinasyon ng kaniyang administrasyon na maiangat
pa ang antas ng buhay ng mga Imuseño.