City of Imus

Kauna-unahang Livelihood Skills Training para sa PWD isinagawa



September 20



IMUS City Government Center — Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang programang Livelihood Skills Training for Persons with Disabilities (PWDs) nitong Setyembre 20, 2023 sa pagtutulungan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at ng City of Imus Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial and Enterprise Development Office (CICLEDO).

Natutunan ng 60 kataong may kapansanan kung paano gumawa ng string doormat at recycled bag sa pangunguna ni Mr. Ronnie Yohan at ng mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Isa ang Livelihood Skills Training sa mga programa ng CICLEDO na layuning maturuan ang mga Imuseño ng iba’t ibang kasanayan para matulungan silang makapaghanapbuhay.

Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na sa pamamagitan nito ay maisama sa puwersa ng mga manggagawa at makapagsimula ng kanilang negosyo ang mga may kapansanan.