City of Imus

Imus, kinilala sa Sulong CaLaBaRZon, Sulo ng Kalusugan



February 14



LIPA-MALVAR, Batangas — Nag-uwi ng tatlong parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa kauna-unahang “Sulong CaLaBaRZon, Sulo ng Kalusugan: First Integrated Regional Awarding and Recognition” ng Center for Health Development–CaLaBaRZon ng Department of Health nitong Pebrero 14, 2023.

Kabilang sa mga nasabing pagkilala ay ang Third Place City with Highest Booster Dose Vaccination Coverage, Most Supportive Local Government Unit to the Adolescent Health and Development Program, at ang pagkilala sa Imus City Epidemiology and Surveillance Unit (ESU) sa husay na pinatunayan nito sa Field Monitoring and Evaluation for ESUs na isinagawa taong 2022.

Ang tagumpay na ito ay nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagtutulungan ng City Health Office, Ospital ng Imus, CESU, City Disaster Risk Reduction and Management Office, at iba’t ibang vaccination sites sa Imus, kabilang na ang Buhay na Tubig Vaccination Site at ang mobile vaccination team.