City of Imus

17 bagong service vehicles ng Pamahalaang Lungsod ng Imus



February 10



IMUS, Cavite — Upang mapabuti pa ang pagbibigay-serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, 17 karagdagang service vehicles ang binasbasan noong Pebrero 10, 2023 bago opisyal na gamitin ang mga ito.

Nakasama nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan si Rev. Fr. Benjamin Francisco na nanguna sa pagbabasbas ng 10 dump trucks, dalawang water tankers, tatlong man-lift trucks, at dalawang L200 pick-up trucks.

Hiling ni Mayor AA ang maayos na pangangalaga sa mga bagong pampublikong behikulo ng Imus sapagkat nanggaling sa taong-bayan ang pondo para dito.