City of Imus

Mayor AA at Sen. Bong Go, ininspeksyon ang itinatayong Super Health Center



February 8



IMUS, Cavite — Una nang pinuntahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go nitong Pebrero 8, 2023 ang itinatayong Super Health Center sa Legian II-C, Brgy. Carsadang Bago I.

Nakatakdang magkaroon ng dental at laboratory services, gayon din ang birthing at isolation facilities sa nasabing Super Health Center.

Nakasama rin sa inspeksyon sina Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, at Punong Barangay Laila Cubillo.

Sa pamamagitan ng pondong ibinigay ng tanggapan ni Sen. Bong Go, mapapalapit na sa mga Imuseño ang mas komprehensibong pasilidad pangmedikal.

Binisita rin ni Sen. Bong Go ang Imus Sports Complex, kung saan nakatanggap ng tulong pinansyal ang 585 benepisyaryo sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development.

Naniniwala si Mayor AA na sa pagkakaroon ng mabuting samahan sa iba’t ibang tanggapan at opisyal ng gobyerno, marami pang mga programa ang maibababa sa mga Imuseño.