City of Imus

World Read Aloud Day 2023: Ang Sining at Kasanayan ng Pagbabasa nang Malakas



February 1



IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng World Read Aloud Day noong Pebrero 1, 2023 sa pangunguna ng Imus City Public Library.

Binasa ni Ms. Annaliza Q. Aviles, School Librarian mula sa Gov. Ferrer Memorial Integrated National High School, ang mga kuwentong “Tippity Top Super Top” ni Joy Ceres at “Sinemadyika” ni Lauren Macaraeg sa 50 estudyante ng Bukandala Elementary School kasama ang ilan sa kanilang mga guro.

Kinumusta at pinaalalahanan din nina City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan at City Administrator Hertito Monzon ang mga kabataan na pahalagahan ang pagbabasa at pagbabahagi ng mga kuwento dahil ito ay isa sa mga paraan upang mahubog at mapanatili ang kanilang kaalaman, pananaw, at pagkamalikhain.

Ang taunang World Read Aloud Day ay bunga ng mungkahi ng LitWorld na nagtataguyod ng karunungang bumasa’t sumulat bilang pundasyon ng karapatang pantao sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng mga kuwento mula sa mga libro.