MANILA City — Muling ginawaran ng Seal of Excellence ang Pamahalaang Lungsod ng Imus matapos makamit ang Beyond Compliant rating o 2.58 rating sa Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal for Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs) Category ng 23rd Gawad KALASAG National Awarding Ceremony nitong Disyembre 11, 2023. Bunga ito ng dedikasyon at tapang ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ng Imus CDRRMC sa ilalim ng Philippine DRRM Act of 2010 o Republic Act No. 10121. Taunang isinasagawa ng National DRRMC ang Gawad KALASAG upang bigyang-pagkilala ang mga kontribusyon ng local DRRM practitioners para sa kaligtasan at kahandaan ng mga komunidad sa banta ng panganib na maaaring idulot ng mga kalamidad at sakuna.