City of Imus

281 PWD, pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Imus LGU



December 11



IMUS City Government Center — Katuwang ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang tulong pinansyal sa 281 Imuseñong may kapansanan noong Disyembre 11, 2023.

Pinangunahan ito nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, Board Members Shernan Jaro at Ony Cantimbuhan, Provincial Sangguniang Kabataan Federation President Chelsea Sarno, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus.

Sa pamamagitan nito, nais ng Pamahalaang Lungsod ang masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng mga Imuseñong may kapansanan.