City of Imus

333 Imuseño, kinilala sa Natatanging Imuseño Gawad Parangal ng Imus LGU



December 18



IMUS City Government Center — Personal na binigyang-pagkilala ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 333 Imuseñong nagpamalas ng husay at galing pagdating sa katalinuhan sa pamamagitan ng kauna-unahang Natatanging Imuseño Gawad Parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na ginanap nitong Disyembre 18, 2023.

Kinilala rito ang mga Imuseñong nakatanggap ng pinakamataas na pagkilala sa paaralan, summa cum laude, magna cum laude, top notcher, at board passer.

Nakasama rin sa paggawad ng mga parangal sina Provincial Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Chelsea Sarno, Imus SK Federation President Glian Ilagan, City Administrator Tito Monzon, City Information Officer Ervin Ace Navarette, at Youth Affairs Office Officer-in-charge Jericho Reyes.

Hinahangaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang dedikasyon ng mga Natatanging Imuseño.