CITY of Imus Sports Complex — Ginanap ang pinakamalaking pagtitipon ng mga alagang hayop sa lungsod sa ika-10 taon ng Imus Petstival noong Disyembre 2, 2023. Sa pakikipagtulungan ng Imus City Veterinary Services Office sa Imus City Tourism and Heritage Office at BPI Cavite – North Palawan, nakilahok ang humigit-kumulang 400 Imuseño fur parents at kanilang fur children sa iba’t ibang aktibidad. Nagpakitang gilas ang mga alagang hayop ng kanilang naggagandahang kasuotan at kagiliw-giliw na posing sa Christmas Pawshion Show at Mr. & Ms. Furthogenic Christmas Edition. Nakiisa rin ang mga aso at fur parents sa 1.5-km small breed, 3-km medium to large breed, at 5-km human race categories ng Run Fur Farmers. Ganap na ring nabasbasan ang mga ito sa isinagawang Pet Blessing sa pangunguna ni Deputy Chaplain Ramil Ilano, habang bagong kaalaman ang ibinahagi ni The Pinoy Dog Whisperer Lestre Zapanta sa Pet Talk. Nakatanggap naman ang mga alagang hayop ng pet food at supplies mula sa 22 sponsors sa isinagawang raffle draw. Nakisaya rin sa pagdiriwang sina Konsehal Totie Ropeta, City Administrator Tito Monzon, at City Veterinarian Dr. Maribel Depayso. Taunang idinaraos ang Imus Petsival upang malinang ang kaalaman ng mga Imuseño pagdating sa responsible pet ownership.