City of Imus

211 Imuseño, nakatanggap ng scholarship at educational assistance



April 19, 2023



IMUS City Government Center — Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, muling nakatanggap ng full scholarship at ng educational assistance ang 211 Imuseñong mag-aaral nitong Abril 19, 2023.

Ang muling pagbibigay nito ay para sa mga iskolar na patuloy na pinatunayan ang kanilang determinasyon at galing sa pag-aaral.

Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Binhing Advincula Scholarship Program sa mga estudyanteng nasa pribadong eskwelahan, at ang Binhing Advincula Educational Assistance sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan mula high school hanggang kolehiyo.

Buong suporta ang ibinibigay ni Mayor AA para sa edukasyon ng kabataang Imuseño.

#AAngatAngImus