City of Imus

Nego-Karts ng DOLE, iginawad sa 13 Imuseño



April 13, 2023



IMUS City Government Center — Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Department of Labor and Employment (DOLE) CALABARZON, nakatanggap ang 13 Imuseño ng Nego-Karts noong Abril 13, 2023.

Ang paggawad ng mga naturang Nego-Kart ay pinangunahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, DOLE Provincial Director Marivic Martinez, at City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan.

Maaaring maglaman ang bawat Nego-Kart ng frozen goods, rice cake making package, dishwashing liquid products, o welding machine.

Layunin nito na matulungan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng bagong mapagkukunan ng hanapbuhay.

Tuloy-tuloy rin ang ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng DOLE upang malabanan ang tumataas na bilang ng mga nawawalan ng trabaho at matuldukan ang pagtatrabaho ng mga batang menor de edad.