MALAGASANG I-G, Imus — Pormal nang pinasinayaan ng Imus City Agriculture Services Office at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project nitong Abril 20, 2023. Tampok ang Community Garden ng Brgy. Malagasang I-G, iba’t ibang tanim na gulay at prutas ang matatagpuan tulad ng okra, pechay, kamatis, kalamansi, mais, at papaya. Sa kasalukuyan, 14 na barangay ang nagpapatupad ng proyektong ito. Layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na maisagawa ito sa 97 barangay. Dumalo rin dito sina Committee Chairperson on Agriculture Konsehal Totie Ropeta, Liga ng mga Barangay President David Sapitan Jr., City Local Government Operations Officer Joseph Ryan Geronimo, City Administrator Tito Monzon bilang kinatawan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Mr. Jose Rafael Alarcon bilang kinatawan ni City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, City Agriculturist Robert Marges, Kapitan Mark Oliver Valerio, at iba pang mga punong barangay ng Cluster 9. Ang HAPAG sa Barangay Project ng DILG ay isa sa mga isinusulong na solusyon ng pamahalaan sa kawalan ng katiyakan sa pagkain at para mapatibay ang seguridad nito.