City of Imus

Medical Mission sa Imus, pinangunahan ni Cong. AJ



April 18, 2023



IMUS, Cavite — Umarangkada na ang medical mission na pinangungunahan ni Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula nitong Abril 18, 2023, sa SM Center Imus para sa mga barangay na bahagi ng Cluster 1.

Kabilang sa mga ibinigay nitong serbisyo ay ang libreng konsultasyong medikal, laboratory procedures, mga gamot, gayundin ang libreng pneumococcal vaccine para sa senior citizens.

Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 500 Imuseño na ang nakatanggap ng atensyong medikal sa pag-iikot ng medical mission sa Brgy. Pag-asa II para sa Cluster 2, sa Brgy. Anabu I para sa Cluster 3, at sa Brgy. Anabu II-B para sa Cluster 4 nitong Abril 20, 25, at 27.

Katuwang din dito ang Cavite Provincial Health Office, ang Imus City Health Office, Barangay Health Workers, at volunteers mula sa Imus Institute Batch ’86 Born to Serve Inc.

Nakatakdang magpatuloy ang naturang medical mission hanggang Mayo 11.

Buong suporta rin ang ibinibigay rito ni Gov. Jonvic Remulla, City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus.