City of Imus

Isang Kanin, Isang Ulam: Isang selebrasyon ng kaarawan nina Cong. AJ at BM Shernan



October 20, 2022



IMUS, Cavite — Nagbalik ang programang “Isang Kanin, Isang Ulam” nitong Oktubre 20, 2022, kasabay sa selebrasyon ng kaarawan nina Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula at Board Member Shernan Jaro na ginanap sa mga barangay ng Malagasang II-A at Buhay na Tubig.

Naging bahagi rin ng pagdiriwang sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, at mga konsehal.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat ang Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Cavite sa kaniyang official Facebook page.

“Ang bawat Imuseño po ang nagsisilbing aking lakas at inspirasyon para gawin ang aking trabaho. Maraming salamat po sa inyong lahat,” ani Cong. AJ.

Sa mungkahi ni Mayor AA, sinimulan ng Team AJAA ang programang “Isang Kanin, Isang Ulam” bilang tanda ng kanilang pagsasama-sama para sa ikauunlad ng Imus.

Layunin nito na matulungan ang mga Imuseño na maitawid ang kanilang pangunahing pangangailangan kahit sa maliit na paraan.