City of Imus

Bagong pampublikong imprastraktura sa Imus, pinasinayaan ni Mayor AA



October 5-7



Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang groundbreaking at pagbabasbas ng limang pampublikong pasilidad sa Lungsod Imus noong Oktubre 5 - 7, 2022.

Una nang isinagawa ang groundbreaking ng itatayong tatlong palapag na pampublikong sementeryo sa Brgy. Bucandala IV. Mayroong kabuuang sukat na 8,000 sqm ang lupaing handog ni Mayor AA sa lokal na pamahalaan para dito.

Pinasinayaan din ang mga barangay hall ng Poblacion I-B at Bucandala IV at ang multipurpose hall ng Medicion II-C. Pormal ding binuksan sa publiko ang Maharlika Health Center, o ang City Health Office V.

Samantala, pinailawan din ang kalye sa Sapang Palay, Brgy. Tanzang Luma IV.

Ang serye ng mga proyektong imprastraktura ay sinisimulan pa lamang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus. Patuloy na isasakatuparan ng administrasyong Advincula ang mas maganda at mas maningning na Imus.