City of Imus

AAruga Residences, proyektong pabahay ng Imus



October 6, 2022



IMUS, Cavite — Nakipagpulong si City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa Pro-Friends noong Oktubre 6, 2022 para sa levelling off ng mga proyektong pabahay ng Pamahalaang Lungsod na tatawaging “AAruga Residences”.

Ang pulong ay dinaluhan din nina City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, Konsehal Wency Lara, at Konsehal Darwin Remulla.

Kasama ang Local Housing Office, City Engineering Office, at City Planning and Development Office (CPDO), bumisita noong Oktubre 11 si Committee Chair on Human Settlement, Konsehal Darwin Remulla sa Disiplina Village ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na pinamumunuan ni City Mayor Wes Gatchalian.

Sa pamamagitan nito, napag-aralan ng konsehal kung paano matagumpay na naisagawa ng Valenzuela ang maayos na resettlement, o ang paglilipat sa mga residente.

Ang proyektong pabahay ay nakapaloob sa five-point agenda ni Mayor AA upang mabigyan ng maayos na tahanan ang mga Imuseñong naninirahan sa danger zones.