GRANDSTAND AND TRACK OVAL—Ginanap ang kauna-unahang Marestella Long Jump Queen Competition, pinangunahan ng City Sports Development Unit, noong ika-30 ng Hulyo. Ang paligsahan ay nilahukan ng 64 na manlalaro. Ito ay nahati sa apat na kategorya, kung saan nasungkit ni Janry Ubas ang gold medal sa 18 Up Men Category at nakuha ni Abcd Agamanos ang gold medal sa 18 Up Women Category. Pagdating sa 13 – 17 Years Old Boys Category, napanalunan ni Renchard Pagulayan ang gold medal, habang hinirang na gold medalist si Rica Mae Balderama sa 13 – 17 Years Old Girls Category. More Info
TAGAYTAY, City—Ginanap ang tatlong araw na workshop para sa pagbabalangkas ng Executive and
egislative Agenda (ELA) ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa taong 2023 hanggang 2025 noong
ika-27 hanggang ika-29 ng Hulyo.
Sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nabigyan ng patnubay
ang mga bagong halal at ang mga kawaning namumuno sa bawat tanggapan pagdating sa pagpapanukala
ng mga programa at proyektong tututukan sa susunod na tatlong taon...
More Info
EMI-YAZAKI—Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, inilunsad sa Pamahalaang Lungsod
ng Imus ang PinasLikas—isang COVID-19 vaccination program ng Department of Health (DOH) para sa
ligtas balik trabaho—noong ika-27 ng Hulyo sa EDS Manufacturing Inc. (EMI)-Yazaki.
Dinaluhan ito nina EMI-Yazaki President Nobuhiro Kato, Dir. Ariel Valencia ng DOH-CALABARZON Center
for Health Development (CHD), Usec. Lilibeth David ng Health Policy and Infrastructure Development
Team (HPIDT), at Committee Chair on Health Kon. Enzo-Asistio Ferrer...
More Info
NOVELETA PUBLIC CEMETERY—Sa ika-150 kaarawan ni Heneral Santiago Virata Álvarez, sinariwa ng
Pamahalaang Lungsod ng Imus, kasama ang Munisipalidad ng Noveleta at National Historical Commission
of the Philippines (NHCP), ang buhay ng Heneral sa kaniyang himlayan noong ika-25 ng Hulyo.
Ang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak ay pinangunahan din ng Imus City Tourism and Development
Office (CTDO), NHCP Deputy Executive Director Alvin Alcid, Noveleta Mayor Dino Chua, Committee Chair
on Culture and Tourism Konsehal Jelyn Maliksi, at CTDO Officer-in-charge Dr. Emanuel Paredes.
More Info
QUEZON CITY — Bilang bagong halal na Punong Lungsod ng Imus, dinaluhan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang ika-69 na General Assembly and Election of New Officers ng League of Cities of the Philippines (LCP) noong ika-20 at ika-21 ng Hulyo. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga punong lungsod na mas makilala ang isa’t isa. Ginabayan din ang mga alkalde sa kanilang pamamahala at pagpapatupad ng mga programa at proyekto, lalo na sa unang isang daang araw ng kanilang panunungkulan... More Info
Lungsod ng Imus—Sinalubong ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, kasama sina Third District Congressman Adrian Jay Advincula at Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, si City Mayor Stephen Palmares at ang mga opisyal ng Lungsod ng Passi, Lalawigan ng Iloilo noong ika-15 ng Hulyo. Layon ng benchmarking na ito na maibahagi sa Passi ang mga pinakamahusay na pamamaraan ng Pamahalaang Lungsod tungo sa mas progresibong Lungsod ng Passi... More Info
AYALA VERMOSA — Dumalo si City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa groundbreaking ceremony ng Athlete’s Dormitory at Multi-purpose Field ng Ayala Vermosa Sports Hub (AVSH) noong ika-11 ng Hulyo. Isa ito sa mga inisyatiba na sinusuportahan ng punong lungsod tungo sa pag-unlad ng Imus. Pinamunuan nina Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, Ayala Land, Inc. President at CEO Bobby Dy, at Business Development Head Jaime Alfonso Zobel de Ayala ang naturang programa... More Info
IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagtataas ng Pambansang Watawat ng Pilipinas nitong ika-11 ng Hulyo, sa unang pagkakataon mula nang mag-umpisa ang kaniyang termino. Nakiisa rin sina Kinatawan Adrian Jay Advincula, mga konsehal Lloyd Jaro, Yen Saquilayan, Larry Nato, Jelyn Maliksi, Dennis Lacson, Darwin Remulla, Mark Villanueva, Totie Ropeta, Sherwin-Lares Comia, Enzo-Asistio Ferrer, at Igi-Revilla Ocampo, Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan, at Sangguniang Kabataan (SK) President Joshua Guinto... More Info
SANGGUNIANG PANLUNGSOD SESSION HALL — Isinagawa ang kauna-unahang sesyon ng ika-limang Sangguniang Panlungsod (SP) noong ika-11 ng Hulyo. Sa pagsisimula nito, nagbigay si City Mayor Alex “AA” L. Advincula ng isang inaugural address. Dito, kaniyang inilatag ang mga pangunahing programa at proyekto ng kaniyang termino, o ang five-point agenda: kalusugan, edukasyon, at serbisyong publiko; maayos na pamamahala; pabahay at kabuhayan; imprastraktura; at kapaligiran... More Info
IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Nanumpa ang mga bagong halal na lider ng Pamahalaang Lungsod ng Imus kasabay ng kanilang inagurasyon, tanghali ng ika-30 ng Hunyo. Ang seremonyang ito ang hudyat ng pagsisimula ng mga lingkod bayan sa kanilang tungkulin sa publiko. Pinangunahan ni Gob. Jonvic Remulla ng Lalawigan ng Cavite ang panunumpa nina Punong Lungsod Alex “AA” L. Advincula, Pangalawang Punong Lungsod Homer “Saki” Saquilayan, at mga konsehal na sina Lloyd Jaro, Yen Saquilayan, Larry Nato, Jelyn Maliksi, Dennis Lacson, Darwin Remulla, Mark Villanueva, Totie Ropeta, Sherwin-Lares Comia, Atty. Wency Lara, Enzo-Asistio Ferrer, at Igi-Revilla Ocampo. More Info