City of Imus

Lungsod ng Imus, binisita ng Pamahalaang Lungsod ng Passi



July 15, 2022



Lungsod ng Imus—Sinalubong ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, kasama sina Third District Congressman Adrian Jay Advincula at Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, si City Mayor Stephen Palmares at ang mga opisyal ng Lungsod ng Passi, Lalawigan ng Iloilo noong ika-15 ng Hulyo.

Layon ng benchmarking na ito na maibahagi sa Passi ang mga pinakamahusay na pamamaraan ng Pamahalaang Lungsod tungo sa mas progresibong Lungsod ng Passi.

Isa sa mga napag-usapan nina Mayor Advincula at Mayor Palmares ang posibilidad ng pagkakaroon ng mas matibay na ugnayan upang mas umunlad ang dalawang lungsod sa pamamagitan ng isang sisterhood.

Kaakibat ang City Tourism and Development Office (CTDO), binisita rin ng mga lingkod bayan ng Passi ang ilan sa mga makasaysayang lugar sa Imus: ang Pambansang Watawat ng Pilipinas (Imus Heritage Park) at ang Katedral ng Imus.

Si Mayor Alex Advincula ay naniniwala na ang pagbisita na ito ay umpisa pa lamang ng mas malalim na samahan ng Lungsod ng Passi at ng Lungsod ng Imus.