NOVELETA PUBLIC CEMETERY—Sa ika-150 kaarawan ni Heneral Santiago Virata Álvarez, sinariwa ng
Pamahalaang Lungsod ng Imus, kasama ang Munisipalidad ng Noveleta at National Historical Commission
of the Philippines (NHCP), ang buhay ng Heneral sa kaniyang himlayan noong ika-25 ng Hulyo.
Ang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak ay pinangunahan din ng Imus City Tourism and Development
Office (CTDO), NHCP Deputy Executive Director Alvin Alcid, Noveleta Mayor Dino Chua, Committee Chair
on Culture and Tourism Konsehal Jelyn Maliksi, at CTDO Officer-in-charge Dr. Emanuel Paredes.
Naging bahagi rin ng pagdiriwang ang Cavite Historical Society at ang apo ni Hen. Álvarez na
si G. Angelo Álvarez.
Sa parehong araw inalala ng CTDO ang buhay ng Heneral sa pamamagitan ng isang Webinar na pinamagatang
“Gen. Santiago Virata Álvarez: Recollection and Revolution.” Kasabay ito ng paglunsad sa serye ng mga
usaping pangkasaysayan sa Imus na pinangalanang “Historyahan: Usaping Kultura, Turismo, at Kasaysayan.”
Si Hen. Santiago Virata Álvarez ay isinilang sa Imus noong ika-15 ng Hulyo 1872. Kinilala siya bilang
“Kidlat ng Apoy ng Katipunan” dahil sa kaniyang mga tagumpay laban sa puwersa ng mga Kastila, kabilang
na rito ang Labanan sa Dalahican noong 1896.