EMI-YAZAKI—Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, inilunsad sa Pamahalaang Lungsod
ng Imus ang PinasLikas—isang COVID-19 vaccination program ng Department of Health (DOH) para sa
ligtas balik trabaho—noong ika-27 ng Hulyo sa EDS Manufacturing Inc. (EMI)-Yazaki.
Dinaluhan ito nina EMI-Yazaki President Nobuhiro Kato, Dir. Ariel Valencia ng DOH-CALABARZON Center
for Health Development (CHD), Usec. Lilibeth David ng Health Policy and Infrastructure Development
Team (HPIDT), at Committee Chair on Health Kon. Enzo-Asistio Ferrer.
Ang “PinasLakas” Campaign ay naglalayong mahikayat ang mga taong nais tumanggap ng kanilang booster
shot upang mapalakas pa ang kanilang resistensya laban sa COVID-19.