City of Imus

Mayor AA, pinaunlakan ang groundbreaking ceremony ng athlete’s dormitory at multi-purpose field sa Ayala Vermosa Sports Hub



July 11, 2022



AYALA VERMOSA — Dumalo si City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa groundbreaking ceremony ng Athlete’s Dormitory at Multi-purpose Field ng Ayala Vermosa Sports Hub (AVSH) noong ika-11 ng Hulyo. Isa ito sa mga inisyatiba na sinusuportahan ng punong lungsod tungo sa pag-unlad ng Imus.

Pinamunuan nina Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, Ayala Land, Inc. President at CEO Bobby Dy, at Business Development Head Jaime Alfonso Zobel de Ayala ang naturang programa.

Ang Athlete’s House ay maaaring maging pansamantalang tahanan ng hanggang 87 atleta para sa kanilang lock-in training. Papangalanan naman ang Multi-purpose Field bilang Athlete’s Grounds. Nakatakda itong buksan para sa iba’t ibang training, educational camp, at paligsahan.

Sa parehong araw din inihayag sa publiko ang pakikipagtulungan ng Ayala Corporation sa Triathlete Association of the Philippines, Philippine Rugby Football Union, at World Archery Philippines upang magamit ng mga atleta ang pasilidad ng AVHS nang walang bayad.

Buong suporta ang ibinibigay ni Mayor Advincula at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga atletang Imuseño upang maisulong pa ang kanilang kakayahan sa mga paligsahan.