City of Imus

Inaugural session ng 5th Sangguniang Panlungsod ng Imus, isinagawa



July 11, 2022



SANGGUNIANG PANLUNGSOD SESSION HALL — Isinagawa ang kauna-unahang sesyon ng ika-limang Sangguniang Panlungsod (SP) noong ika-11 ng Hulyo.

Sa pagsisimula nito, nagbigay si City Mayor Alex “AA” L. Advincula ng isang inaugural address. Dito, kaniyang inilatag ang mga pangunahing programa at proyekto ng kaniyang termino, o ang five-point agenda: kalusugan, edukasyon, at serbisyong publiko; maayos na pamamahala; pabahay at kabuhayan; imprastraktura; at kapaligiran.

Ilan sa mga tinukoy na proyekto ng Punong Lungsod ang pagpapatayo ng anim na malalaking health center , libreng COVID-19 swab testing at maayos na vaccination sites, malinis at tapat na pamahalaan, pagpapasigla ng mga negosyo, pagtatatag ng Pamantasan ng Lungsod ng Imus, pagsasaayos ng suplay ng tubig, at tamang koleksyon ng mga basura.

Bilang presiding officer ng ika-limang SP, pinangunahan ni City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan ang pagtatalaga ng mga mangangasiwa sa iba’t ibang komite, ang pagpasa ng kauna-unahang ordinansa, at ang pormal na pagsasabatas ng unang executive order.

Sa bagong kabanata ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, naniniwala si City Mayor Advincula na maisasakatuparan ang pangarap na pag-angat ng mga Imuseño.

Sa iisang layunin, AAngat ang Imus!