City of Imus

Imus, isinagawa ang 3-day Workshop on the Formulation of ELA



July 27-29, 2022



TAGAYTAY, City—Ginanap ang tatlong araw na workshop para sa pagbabalangkas ng Executive and egislative Agenda (ELA) ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa taong 2023 hanggang 2025 noong ika-27 hanggang ika-29 ng Hulyo.

Sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nabigyan ng patnubay ang mga bagong halal at ang mga kawaning namumuno sa bawat tanggapan pagdating sa pagpapanukala ng mga programa at proyektong tututukan sa susunod na tatlong taon.

Ilan sa mga tinalakay ay ang local government unit (LGU) vision statement; development goals, strategies, and objectives; platform of governance o ang mga prayoridad at isinusulong ng pamahalaan; at priority legislative agenda of the sanggunian para sa pagsasakatuparan ng mga layunin at estratehiya ng pamamahala.

Ang ELA ay isang dokumentong naglalaman ng mga panukalang napagkasunduan ng dalawang sangay ng lokal na pamahalaan: ang ehekutibo at lehislatura. Sumusuporta ito sa proseso ng pagpaplano ng LGU, at sumasang-ayon sa Comprehensive Development Plan (CDP) at Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng mga lungsod at munisipalidad.

Sa pamamagitan nito, mas epektibong maisasakatuparan ng mga bagong lingkod bayan ang kanilang mga adhikain—kabilang na ang five-point agenda ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula—tungo sa pag-angat ng Lungsod ng Imus.