City of Imus

69th general assembly and election of new officers ng LCP, dinaluhan ni Mayor AA



July 20-21, 2022



QUEZON CITY — Bilang bagong halal na Punong Lungsod ng Imus, dinaluhan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang ika-69 na General Assembly and Election of New Officers ng League of Cities of the Philippines (LCP) noong ika-20 at ika-21 ng Hulyo.

Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga punong lungsod na mas makilala ang isa’t isa. Ginabayan din ang mga alkalde sa kanilang pamamahala at pagpapatupad ng mga programa at proyekto, lalo na sa unang isang daang araw ng kanilang panunungkulan.

Ang programang Newly Elected Officials (NEOs) Orientation Course: Primed Leaders for Renewed Local Governance ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), katuwang ang Local Government Academy (LGA). Dito, tinalakay ang iba’t ibang paksa kaugnay sa maayos at epektibong pamamalakad ng isang lungsod.

Kasabay rin nito ang pagtatalaga ng mga bagong officer ng LCP, kung saan hinirang na National President si Cebu City Mayor Mike Rama. Nahalal din si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Executive Vice President at Bacolod City Mayor Albee Benitez bilang Chairman of the Board.

Ang LCP ay ang opisyal na organisasyon ng 146 na lungsod sa bansa ayon sa mandato ng Section 499 ng Republic Act 7160, o ang Local Government Code of 1991. Layunin nito na tugunan ang mga isyu at problemang kinakaharap ng mga pamahalaang lungsod.

Sa tulong ng naturang pagpupulong, mas determinado si City Mayor Advincula na mag-lingkod at maiangat ang Lungsod ng Imus sa pamamagitan ng mga programa at proyektong nakapaloob sa kaniyang five-point agenda.