City of Imus

Ikalawang batch ng Career Forward Training ng TaskUs at Imus, nagtapos na



July 13



IMUS, Cavite — Tagumpay na nagtapos ang ikalawang batch ng trainees sa Career Forward Training ng TaskUs at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Hulyo 13, 2023.

Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagbibigay ng sertipikasyon sa 16 na trainees na dumaan sa Business Process Outsourcing (BPO) Training.

Natutunan ng mga trainee ang fundamental skills in outsourcing na kinabibilangan ng language assessment, communication skills training, customer handling, at employee wellness.

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng BPO training sa lungsod upang marami pa sa mga Imuseño ang matulungang makapagtrabaho sa sektor ng BPO.