City of Imus

17 rescue boats, ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Imus



July 27



IMUS, Cavite — Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang paghahanda mula sa tumitinding pagbaha sa ilang mga barangay sa pamamagitan ng paghatid nito ng 17 bagong rescue boats nitong Hulyo 27, 2023.

Ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ang 11 bangka sa 11 flood-prone barangays habang nasa pangangalaga ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office ang anim na bangka.

Kinabibilangan ito ng 10 hard plastic boats na kayang magsakay ng hanggang apat na katao, limang hard plastic boats na may kapasidad na hanggang 12 katao, at dalawang rubber boats na kayang maglulan ng walong katao.

Tinanggap ang hard plastic boats ng mga barangay ng Pag-asa III, Medicion II-A hanggang II-F, Buhay na Tubig, gayundin ng Toclong I-C, II-A, at II-B.

Ipinahayag din ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang hangaring mas mapapabilis nito ang pagresponde sa mga Imuseñong maaaring maapektuhan ng matinding pagbaha.