City of Imus

322 pamilya inilikas sa Imus dahil sa Bagyong Karding



September 25,26



IMUS, Cavite—Naghatid ng food packs at hot meals ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa 322 pamilyang inilikas ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) dahil sa banta ng Bagyong Karding nitong Setyembre 25 at 26.

Personal na kinumusta ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 79 na pamilyang pansamantalang nanuluyan sa Tinabunan Elementary School.

Kabilang din sa mga tinuluyan ng mga residente ang Imus Sports Complex at ang Barangay Hall ng Malagasang II-C. Nagmula ang mga inilikas sa Dumlao at Saradpon Compound, Bicol Area, Riverside ng Brgy. Malagasang II-C, at mga barangay Pag-asa III at Bayan Luma IV.

Umabot sa Super Typhoon – Category Five ang Karding (international name “Noru”) bago mag-landfall sa Quezon Province noong araw ng Setyembre 25. Itinaas sa Signal No. Three ang Lalawigan ng Cavite na kinalaunan ay ibinaba sa Signal No. Two.

Sa pamumuno ni Mayor AA, laging handa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus na tumugon sa pangangailangan ng bawat Imuseño.