IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Sa pakikipagtulungan ng Rotary International District 3810 ni Gov. Dr. Joyce
Ambray sa Embrace Philippines, nakatanggap ng 100 evacuation tents ang Pamahalaang Lungsod ng Imus noong
ika-9 ng Setyembre.
Tinanggap nina City Administrator Jeffrey Purisima—sa ngalan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula—at Rotary
Club of Imus East Phenomenal Leader President at Konsehal Mark Anthony Villanueva ang mga naturang tent.
Kasabay ito ng naganap na unveiling ng four-way test marker at Governor’s Visit with Induction of New Officers
and New Members ng Rotary Club of Imus East.
Una nang ipinahayag ng District 3810 ang donasyon ng evacuation tents matapos ang pagbisita nito at ng
District 3790—pinangungunahan ni Gov. Ana Lorenzana—kay Mayor AA noong ika-2 ng Agosto.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang maayos na paggamit at paglalaan ng mga natanggap na evacuation
tent para sa mga Imuseñong mangangailangan nito.