City of Imus

86 organisasyon, accredited CSOs na!



September 19, 2022



IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Ganap nang kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 86 na organisasyon bilang Civil Society Organizations (CSOs) noong ika-19 ng Setyembre.

Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, binigyan ng certificate of accreditation and selection of local special bodies ang CSOs matapos dumalo sa CSO Conference noong ika-4 ng Agosto.

Ang naturang conference ay pinangunahan ni Konsehal Jelyn Maliksi—bilang Chairperson ng Committee on People’s Organization and Non-Governmental Organizations’ Accreditation—kasama sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan.

Ang CSOs ay kinabibilangan ng non-state at non-profit organizations, gaya ng community-based at non-governmental organizations na layuning maisulong ang mga pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamahalaan.

Buong suporta naman ang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa CSOs na katuwang sa paglilingkod sa bayan.