City of Imus

Mayor AA, handog ang P100,000 para sa 4 Imuseño centenarian



September 19



Ginawaran ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang apat na Imuseño centenarian ng 100 libong piso noong Hulyo 19, Agosto 25, at Setyembre 19, 2022.

Kinilala ang centenarians na sina Dolores Talabut ng Brgy. Poblacion I-B, Emelina Diana ng Brgy. Malagasang II-E, Adela Ramirez ng Brgy. Pag-asa I, at Tomasa Paredes ng Brgy. Anabu 2-D.

Naghandog din ng grocery package si Mayor AA para sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng mga centenarian.

Pinangungunahan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) at ng Imus Municipal Senior Citizen Association Incorporated (IMUSCAI) ang programang ito.

Ang paghahatid ng 100 libong piso sa mga Pilipinong nasa ika-100 taong gulang ay batay sa Republic Act No. 10868, o ang “Centenarians Act of 2016.”