City of Imus

Pagpapakilala kay Mayor AA ng 2 exhibitors ng 100 days of happiness



September 9, 2022



Sa pamamagitan ng Imus Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), naipakilala kay City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang dalawang exhibitors ng SM Supermalls’ 100 Days of Happiness noong ika-9 ng Setyembre.

Kinilala ang exhibitors na Blessing Seminary Bakeshop na mayroong benepisyaryo na Our Lady of Pillar Seminary, at The Cooking Dad Bake and Brew na mayroong benepisyaryo na Tahanan ng Mabuting Pastol at Save the Children Philippines.

Nagbukas sa SM Center Imus ang programang 100 Days of Happiness noong ika-16 ng Setyembre.

Layunin nito na magsilbing inspirasyon sa mga Pilipino na suportahan ang mga NGO, kaagapay ang local government units (LGU), sa mga adbokasiyang nagbibigay oportunidad sa kabuhayan ng kani-kanilang komunidad.