City of Imus

Job Matching Program, inilunsad ng Imus PESO



September 2, 15, 16, 2022



Upang mapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga Imuseño, inilunsad ng Imus Public Employment Service Office (PESO) ang Job Matching Program ngayong buwan ng Setyembre sa mga araw ng 2, 15, at 16.

Ginanap ang kauna-unahang Job Matching sa Imus City Government Center para sa Metro Gaisano, The District – Imus.

Idinaos naman ang ikalawa sa Covered Court ng Green Estate Phase 3, Brgy. Malagasang I-G at ikatlo sa Covered Court ng Greengate Homes Phase 1, Brgy. Malagasang II-A para sa EMI-Yazaki. Dito, 46 mula sa 117 aplikante ang natanggap agad habang 51 ang for interview para sa non-production positions ng kumpanya.

Mas pinadali na rin ang pagkumpleto ng mga kinakailangang dokumento sa tulong ng PhilHealth, Pag-ibig Fund, at Social Security Service (SSS) booths.

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring mag-register online, o kaya ay magtungo sa tanggapan ng Imus PESO sa 2nd Floor, Imus City Government Center, Malagasang I-G.

Maghahatid pa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng mga programang magbibigay oportunidad para sa kabuhayan ng mga Imuseño.

Sa PESO may trabaho, AAngat ang buhay para sa kinabukasan!