City of Imus

Binhing Advincula Educational Assistance at Scholarship Program para sa 1,240 Imuseño



September 1, 21, 2022



IMUS SPORTS COMPLEX—Sa pakikipagtulungan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula kay Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, nabigyan ng educational assistance at scholarship ang 1,240 Imuseñong mag-aaral noong ika-1 at 21 ng Setyembre.

Pinayuhan ni Mayor AA ang mga estudyante na mag-aral nang mabuti habang may pagkakataon dahil ito ang susi tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.

Ang Binhing Advincula Educational Assistance ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Ikatlong Distrito ng Cavite sa Imuseño high school, senior high school, at college students mula sa mga pampublikong paaralan at state universities.

Hatid naman ng Binhing Advincula Scholarship Program ang partial hanggang full scholarship sa mga estudyanteng Imuseño na nag-aaral sa mga pribadong eskwelahan.

Sinisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na mas marami pang mag-aaral ang matulungan. Naniniwala si City Mayor Alex “AA” L. Advincula na ang edukasyon ay dapat abot-kamay ng lahat.