City of Imus

Inter-barangay 1st AJAA Cup Softball Tournament, inilunsad sa Imus



March 25, 2023



IMUS GRANDSTAND AND TRACK OVAL — Pinasinayaan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, at Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula ang kauna-unahang Inter-barangay AJAA Cup Softball Tournament nitong Marso 25, 2023 sa pagtutunggali ng apat na koponan mula sa iba’t ibang barangay sa Imus.

Ayon kay Mayor AA, ang paglunsad ng larong softball ay may layong mapasigla muli ito at maiangat ang antas ng sports sa Lungsod ng Imus.

Binuksan ng mga koponan mula sa Malagasang First at Tanzang Luma ang naturang paligsahan, at sinundan ng laban sa pagitan ng Buhay na Tubig at Pasong Buaya Two, kung saan nakuha ng Malagasang First at ng Buhay na Tubig ang kanilang unang panalo.

Nakatakdang magtagal ang softball tournament hanggang Abril 23, 2023.

Ang softball ay isa sa mga larong bahagi ng 2023 Inter-barangay First AJAA Cup Tournament ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ng Imus Sports Development Unit.