City of Imus

Araw ng pasasalamat at kumustahan sa mga Bantay Kalikasan ng Imus



March 9, 2023



IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Isang salu-salo ang inihanda ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa 210 eco-aides ng Bantay Kalikasan noong Marso 9, 2023, sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

Pinagkalooban din ng cash gift ang bawat eco-aide bilang pasasalamat sa kanilang walang-kapagurang serbisyo para sa pagpapanatili ng kalinisan sa Imus.

Bukod sa pangungumusta ni Mayor AA, nangumusta rin sina Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, Liga ng mga Barangay President David Sapitan Jr., at Punong Barangay RR Ramirez.

Ang Bantay Kalikasan ay inilunsad ng administrasyong Advincula noong Agosto 2022 kasabay ng paghahandog ng eco carts na nagsilbing kasangga nila sa paglilinis.

Tuloy-tuloy naman ang pagsasagawa ng mga programang pangkapaligiran ng Pamahalaang Lungsod para maresolba ang suliraning kinakaharap sa basura at iba pang problemang pangkalikasan.