City of Imus

Imus RCD AJAA Spikers, kampeon sa CBL Inter-Town Mens Volleyball Season 1



March 5, 2023



UGNAYANG LA SALLE, Dasmariñas — Tagumpay ang Imus RCD AJAA Spikers na makuha ang kampeonato noong gabi ng Marso 5, 2023 sa Game 2 ng kanilang laban kontra Dasmariñas Green Spikers sa Cavite Ballers League Inter-Town Volleyball Season 1 Championship.

Sa puntos na 28-26, 21-25, 21-25, at 22-25, ipinakita ng koponan ang galing ng mga Imuseño sa larangan ng volleyball.

Itinanghal namang Finals Most Valuable Player si Reynald David Honra, Best Outside Hitter si Ismael John Rivera, at Best Libero si Rikko Marius Marmeto.

Una nang ipinamalas ng RCD AJAA Spikers ang kanilang husay sa Game 1 ng naturang paligsahan matapos maipanalo ang tatlong magkakasunod na sets sa puntos na 21-25, 19-25, at 20-25.

Matatandaan na nakuha ng koponan ang huling puwesto para sa championship noong Pebrero 25 matapos ang kanilang dikit na laban sa semi-finals kontra Batang GenTri.

Saludo at humahanga ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa galing na pinatunayan ng mga atletang Imuseño!