City of Imus

66 na ISFs, may sarili nang lote ng bahay



March 13, 2023



IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa Pamahalaang Lungsod ng Imus, pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pamamahagi ng sertipikasyon at paggawad ng mga nakatalagang lote sa 66 na informal settler families (ISFs) nitong Marso 13, 2023.

Ang naturang ISFs ay nagmula sa Saradpon at Dumlao ng Brgy. Pag-asa III sa Lungsod ng Imus. Nakatakdang lumipat ang mga pamilya sa Pinagkaisa Village, Brgy. Toclong sa Munisipalidad ng Kawit.

Sa pamamagitan ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan, magkakaroon na ng permanente at maayos na tirahan ang ISFs.

Nakasama rin sa aktibidad si Provincial Administrator Alvin Mojica, si Konsehal Darwin Remulla, si Punong Barangay Joemar Dagumboy, at ang Provincial Housing Development and Management Office.

Ayon kay Mayor AA, patuloy na umaalalay at sumusuporta ang mga lokal na pamahalaan sa Cavite upang matulungan ang mga Imuseño at Kabiteño na umangat sa buhay.

#AAngatAngImus