ALAPAN I-A, Imus — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong Ronald McDonald Bahay Bulilit Learning Center sa Imus noong Mayo 5, 2023, sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Ronald McDonald House Charities (RMHC) of the Philippines, Inc. Bahagi rin nito ang mga kinatawan ng RMHC Philippines na sina Vice President Margot Torres at Executive Director Marie Angeles. Dinaluhan din ito nina Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, City Social Welfare and Development Office’s Officer-in-charge Josephine G. Villanueva, Punong Barangay Jeffrey Aman, at mga kagawad ng Brgy. Alapan I-A. Matatandaang nagbukas ang kauna-unahang Bahay Bulilit sa lungsod noong 2019 sa Brgy. Malagasang I-G. Ang Bahay Bulilit ay isa sa mga programa ng RMHC Philippines na layong makatulong sa mga batang kabilang sa low-income families sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan. Sa kasalukuyan, mayroon nang 38 Bahay Bulilit sa bansa, kabilang na ang naturang itinatayong day care center sa Imus.