CEBU CITY—Dinaluhan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang kauna-unahang Convergence of Family of Servants ng League of Cities of the Philippines (LCP) mula ika-16 hanggang ika-18 ng Agosto. Alinsunod sa temang “LCP Reimagined: Moving Forward. Unifying. Building Smarter Cities,” layunin nito na pagtibayin ang samahan ng pampubliko at pribadong sektor tungo sa pag-angat ng mga lungsod. Sa tatlong araw na pagpupulong, ibinahagi ng mga lider mula sa pribadong sektor ang mga inisyatiba at inobasyon na kanilang iminumungkahi para sa sustainable, resilient, and smart cities. Tinalakay rin nina Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Wilford Wong at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Charles Frederick T. Co ang mga pangunahing problema at isyu na kinakaharap ng mga lungsod. Napag-usapan din ang devolution transition plans, selection criteria for the Growth Equity Fund (GEF), at estado ng capacity-building program for cities. Ang Convergence of Family of Servants ay isa sa mga programa ng LCP, pinangungunahan ni LCP President at Cebu City Mayor Mike Rama, para sa tuloy-tuloy na pagkakaisa ng pampubliko at pribadong sektor sa susunod na tatlong taon.