Pinarangalan si Ms. Rosena V. Roman, Imus City Librarian, ng Unang Gantimpala sa 2022 Gawad Parangal sa
Natatanging Propesyunal na Tagapangasiwa ng Pampublikong Aklatan ng National Library at The Asia Foundation
noong ika-19 ng Agosto.
Ito ay iginawad kay Ms. Roman dahil sa ipinakita niyang husay at dedikasyon para sa ikauunlad ng Pampublikong
Aklatan ng Imus.
Nakatanggap din ng Plaque of Appreciation si City Mayor Alex "AA" L. Advincula bilang pagsuporta sa mga programa
at aktibidad ng City Public Library. Ang naturang parangal ay tinanggap ni City Administrator Jeffrey M. Purisima.
Sa pinalawak at pinagandang Imus City Library, sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ang paghahatid ng mga serbisyo
at programang mas mag-aangat sa antas ng edukasyon sa Imus.