City of Imus

Hakab na! Isang breastfeeding awareness month celebration sa Imus



August 31, 2022



IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Ngayong breastfeeding month, nagbabalik sa ika-apat na taon ang Hakab Na! Breastfeeding Awareness Month Celebration ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong ika-31 ng Agosto.

Sa pangunguna ng City Health Office, idinaos ang isang seminar na nagbibigay diin sa mga benepisyo at kahalagahan ng breastfeeding sa mga sanggol.

Nagbigay suporta rin sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at mga konsehal Yen Saquilayan, Jelyn Maliksi, Darwin Remulla, at Enzo Asistio-Ferrer.

Bukod pa rito, isinagawa ang isang breastfeeding seminar para sa first-time mothers noong ika-5 ng Agosto sa tulong ng tanggapan ni Sen. Pia Cayetano.

Pinangunahan ito ni Kon. Yen Saquilayan bilang Committee Chair ng Social Services, Family, Women, Children, and Elderly.

Kabalikat din ng naturang programa sina Sen. Alan Peter Cayetano at Kon. Mark Anthony Villanueva na pinamumunuan ang Rotary Club of Imus East. Ito ay dinaluhan din nina Konsehal Lloyd Jaro at Darwin Remulla.

Sa presentasyon na pinamagatang “Ang Gatas ni Inay ay Walang Kapantay,” ibinahagi ni Dr. Vivian Eustaquio ang mahahalagang kaalaman tungkol sa breastfeeding o pagpapasuso para sa mainam na paglaki ng mga sanggol.

Ilan ito sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa mas malusog na pangangatawan ng mga batang Imuseño.