City of Imus

Imus City Librarian, hinirang na Most Outstanding sa 2022 Gawad Parangal


August 19, 2022


Pinarangalan si Ms. Rosena V. Roman, Imus City Librarian, ng Unang Gantimpala sa 2022 Gawad Parangal sa Natatanging Propesyunal na Tagapangasiwa ng Pampublikong Aklatan ng National Library at The Asia Foundation noong ika-19 ng Agosto.

Ito ay iginawad kay Ms. Roman dahil sa ipinakita niyang husay at dedikasyon para sa ikauunlad ng Pampublikong Aklatan ng Imus.

Nakatanggap din ng Plaque of Appreciation si City Mayor Alex "AA" L. Advincula sa suporta na kaniyang ibinibigay sa mga programa at aktibidad ng City Public Library. Ang naturang parangal ay tinanggap ni City Administrator Jeffrey M. Purisima.

Sa pinalawak at pinagandang Imus City Library, tinitiyak ng Pamahalaang Lungsod ang paghahatid ng mga serbisyo at programang mas mag-aangat sa antas ng edukasyon sa Imus.


Mayor AA, dumalo sa 1st Convergence of Family of Servants ng LCP

August 16-18, 2022


CEBU CITY—Dinaluhan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang kauna-unahang Convergence of Family of Servants ng League of Cities of the Philippines (LCP) mula ika-16 hanggang ika-18 ng Agosto.

Alinsunod sa temang “LCP Reimagined: Moving Forward. Unifying. Building Smarter Cities,” layunin nito na pagtibayin ang samahan ng pribado at pampublikong sektor tungo sa pag-angat ng mga lungsod.....

More Info


Mayor AA, kinilala ang mga nagsipagtapos sa Summer Reading Program ng Public Library

August 15, 2022


Binati ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga kabataang Imuseñong matagumpay na natapos ang Summer Reading Program ng City Public Library sa awarding ceremony nito noong ika-15 ng Agosto.

Kaagapay rin ng programa ang Imus Youth Leadership Program (IYLDP) at ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation na pinangungunahan ni SK President Joshua Guinto.

Ngayong taon, nagbalik ang Summer Reading Program upang ma-develop ang kasanayan at mapunan ang kakulangan sa pagbabasa ng mga kabataan. Ang programa ay nagtagal mula ika-5 ng Hulyo hanggang ika-12 ng Agosto.


Mayor AA, isinagawa ang kauna-unahang Kasalang Imuseño

August 11, 2022


Pinangunahan ni City Mayor Alex "AA" L. Advincula sa unang pagkakataon ang kasalan ng siyam na Imuseñong magkabiyak noong ika-11 ng Agosto.

Sa mensahe ni Mayor AA, nagbigay-payo siya sa kahalagahan ng pagpapakumbaba anumang pagsubok ang harapin ng mga mag-asawa.

Ayon sa punong lungsod, “Ang buhay ay [puno] ng ups and downs—aangat, bababa—may away, minsan bati, minsan masaya. Dadaan lahat ‘yan sa buhay ninyo. Pinakaimportante sa lahat, pagtitiis at pasensya. Laging magpakumbaba.”...

More Info


Apat na Bagong Ambulansya

August 8, 2022


Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, isinagawa ang turnover at blessing ng apat na bagong ambulansya ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) noong ika-8 ng Agosto.

Naging bahagi rin ng blessing sina Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan at Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan.

Ilan lamang ito sa mga pagbabagong hatid ng administrasyong Advincula para sa mas mabilis na pagresponde sa lahat ng oras.


Breastfeeding Month

August 5, 2022


IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Ngayong breastfeeding month, nagbabalik sa ika-apat na taon ang Hakab Na! Breastfeeding Awareness Month Celebration ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong ika-31 ng Agosto.

Sa pangunguna ng City Health Office, nagdaos ng isang seminar na nagbibigay diin sa mga benepisyo at kahalagahan ng breastfeeding sa mga sanggol...

More Info


Balik-Sigla, Balik-Eskwela: inilunsad sa Imus kontra dengue

August 5, 2022


Bilang pakikiisa sa 2022 Brigada Eskwela, inilunsad ng Imus City Health Office (CHO) ang Balik-Sigla, Balik-Eskwela Program ng Department of Health (DOH)-CALABARZON, katuwang ang Department of Education (DepEd), sa tatlong pampublikong paaralan noong ika-5 ng Agosto.

Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagsisimula nito sa Gov. D.M. Camerino Integrated Elementary School, kung saan inihayag niya ang kahalagahan ng edukasyon.

More Info


80 organisasyon, dumalo sa CSO Conference

August 4, 2022


IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Kaugnay ng Accreditation of Civil Society Organizations (CSOs) and the Selection of Representatives to the Local Special Bodies (LSB), idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang CSO Conference noong ika-4 ng Agosto na dinaluhan ng humigit-kumulang 80 organisasyon.

Ang naturang conference ay pinangunahan ni Konsehal Jelyn Maliksi—bilang Chairperson ng Committee on People’s Organization and Non-Governmental Organizations’ Accreditation—kasama sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan...

More Info


Imus, pinangunahan ang Brigada Eskwela National Kick-off Ceremony

August 1, 2022


IMUS PILOT ELEMENTARY SCHOOL—Matagumpay na inilunsad ang 2022 National Brigada Eskwela (BE) Kick-off Ceremony, sa temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral,” ng Department of Education (DepEd) noong ika-1 ng Agosto.

Sa pangunguna ng Imus Schools Division Office (SDO) ni Dr. Rosemarie Torres, sinalubong ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula si Vice President at DepEd Secretary Sara Z. Duterte...

More Info