City of Imus

Cluster 9, kampeon sa 1st Congressman AJ Cup Inter-Cluster Basketball Tournament



June 11



IMUS Sports Complex — Tagumpay ang Cluster 9 na masungkit ang kampeonato sa Game 3 ng First Congressman AJ Cup Inter-Cluster Basketball Tournament Championship noong Hunyo 11, 2023.

Sa puntos na 86-79 kontra Cluster 1, bumawi ang koponan matapos mabigong makuha ang kampeonato sa Game 2 noong Hunyo 10 sa puntos na 84-92. Una nang nakapagtala ng panalo ang Cluster 9 nang makapuntos ng 89-82 sa Game 1 noong Hunyo 9.

Bukod sa tropeo, nag-uwi rin ang koponan ng P100,000 handog nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula. Kinilala ring Finals Most Valuable Player ang kanilang manlalaro na si Dave Areno.

Nakatanggap naman ang Cluster 1 ng P70,000 bilang second placer, ang Cluster 2 ng P40,000 na nakuha ang ikatlong puwesto matapos harapin ang Cluster 6, na nag-uwi ng P20,000, noong Hunyo 10 sa puntos na 85-81.

Katuwang ang Imus City Sports Development Unit, ang naturang basketball tournament ay bahagi ng mga serye ng paligsahang hatid ng First Congressman AJ Cup Inter-Cluster Tournament.

Layunin nito na tumibay pa ang samahan ng mga Imuseño at mailayo ang mga kabataan mula sa masamang bisyo sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga palaro gaya ng basketbol.

Buong suporta rin ang ibinibigay ni Mayor AA upang malinang pa ang kasanayan at talento ng mga Imuseño sa larangan ng sports.