City of Imus

Imus Petstival 2022: pet ko, AAlagaan ko



December 21



IMUS SPORTS COMPLEX — Matagumpay na idinaos ang Imus Petstival ngayong taon na ginanap nitong Disyembre 21, 2022 sa Imus Sports Complex na may temang “Pet Ko, AAlagaan Ko.”

Tampok ang iba’t ibang aktibidad na hinanda ng City Veterinary Services Office at ng City Tourism and Development Office, nagpakitang gilas ang mga magigiliw at kaaliw-aliw na mga alagang aso at pusa sa Alaga Ko, Talentado, Mr. and Ms. Furthogenic, TikTok Dance Contest, at Fun Run.

Nabigyan din ng basbas ang mga alagang hayop sa Pet Blessing, habang nadagdagan ang kaalaman ng fur parents ukol sa pag-aalaga ng mga aso at pusa sa Pet Talk, at nakisaya ang mga ito sa pagsagot ng mga katanungan sa trivia game.

Sa pamamagitan ng raffle draw, nakatanggap ng mga papremyo ang mga alagang hayop mula sa 18 sponsors ng programa.

Kabilang din sa mga nakisaya sina Konsehal Totie Ropeta – Committee Chair on Agriculture and Livelihood and Agrarian Reforms, Chief of Staff Hertito Monzon, Miss Philippines USA 2022 Tourism Catherina Torneros, at Mister Grand International 2022 First Runner Up Kristzan Delos Santos.

Ang Imus Petstival ay isinasagawa taon-taon ng Pamahalaang Lungsod ng Imus upang mapalaganap pa ang kaalaman tungkol sa wastong pangangalaga sa mga alagang hayop.