City of Imus

Bagong water tankers, nagsimula nang mag-ikot sa Imus



December 19



Imus, CAVITE — Dumating na nitong Disyembre 19, 2022 ang mga water tanker na binili ng Pamahalaang Lungsod ng Imus upang magawan ng paraan ang araw-araw na kakulangan sa suplay ng tubig sa mga kabahayan sa Imus.

Sa parehong araw, ininspeksyon ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang kalagayan ng mga naturang water tanker.

Agad namang inumpisahan ng Imus City Engineering Office ang paghahatid ng tubig sa mga residente nitong Disyembre 22, 2022 sa mga barangay ng Anabu. Inikutan din ng tanggapan ang mga barangay ng Malagasang, gayundin sa Anabu, nitong Disyembre 28, 30, at 31, 2022.

Tuloy-tuloy na maghahatid ng tubig ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga kabahayan, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa pribadong kumpanya, upang masolusyonan ang problemang nararanasan sa suplay ng tubig.