City of Imus

Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ngayong Kapaskuhan



December



IMUS, Cavite — Sunod-sunod na nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng mga programang makatutulong sa mga Imuseñong ipagdiwang nang may ngiti sa kanilang mga puso ang Kapaskuhan.

Cash payout kaagapay ang Agimat Partylist
Sa pagsisimula ng buwan, naghatid na ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa tulong ng Agimat Partylist, sa 1,500 katao noong Disyembre 9, 2022 sa Dimasalang Covered Court, Barangay Poblacion IV-C. Bumisita rin sa naturang programa sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan at mga konsehal Dennis Lacson, Totie Ropeta, Sherwin Lares-Comia, at Atty. Wency Lara.

TUPAD cash payout
Muling namahagi ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan noong Disyembre 13, 2022 sa Imus Sports Complex sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng Department of Labor and Employment. Nakasama rito ng humigit-kumulang 2,000 Imuseño sina Mayor AA, Kinatawan Adrian Jay “AJ” Advincula, mga konsehal Lloyd Jaro, Jelyn, Maliksi, Darwin Remulla, Totie Ropeta, Atty. Wency Lara, at Enzo Asistio-Ferrer, at Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan.

Pangkabuhayang AAsenso Ka
Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang programang “Pangkabuhayang AAsenso Ka” katuwang ang Public Employment Service Office noong Disyembre 13, 2022 sa Imus City Government Center. Dito, natanggap ng 30 Imuseñong mayroong kapansanan, solo parents, at walang hanapbuhay ang Bigasan Package na naglalaman ng 10 sako ng bigas, isang timbangan, at mga pakete ng plastik labo.

4Ps financial assistance
Para sa mas masayang Kapaskuhan ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, o 4Ps, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng tulong pinansyal at education assistance sa 350 solo parents at 97 parent leaders nitong Disyembre 19, 2022 sa Imus City Government Center, kaagapay ang City Social Welfare and Development Office.

Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa paghahatid ng tulong sa mga Imuseño upang umalalay sa pagbangon at pagtaas ng antas ng kanilang pamumuhay.