KATEDRAL NG IMUS — Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Ika-10 Anibersaryo ng Maringal na Pagpuputong ng Korona kay Nuestra Señora del Pilar, Patrona ng Imus, noong Disyembre 3, 2022. Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagsalubong sa Apostolic Nuncio to the Philippines, Ambassador of Holy See to the Philippines, at ang Dean of the Diplomatic Corps. na si His Excellency (H.E.) The Most Reverend Archbishop Charles John Brown. Kasama rin sa mga sumalubong kay H.E. Archbishop Brown sina Kinatawan Adrian Jay “AJ” Advincula, Board Members Shernan Jaro at Ony Cantimbuhan, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, mga konsehal Lloyd Jaro, Yen Saquilayan, Darwin Remulla, Mark Villanueva, Totie Ropeta, Sherwin Lares-Comia, at Enzo Asistio-Ferrer, Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan, Sangguniang Kabataan Federation President Joshua Guinto, at City Administrator Jeffrey Purisima. Sinundan naman ito ng Pontifical Liturgical Celebration, o ang banal na misa, para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng koronasyon ni Nana Pilar. Ang imahe ni Nuestra Señora del Pilar ay pinagkalooban ng koronasyong kanonikal ni Pope Benedict XVI noong 2011. Naganap ang aktuwal na pagpuputong ng korona sa imahe noong Disyembre 3, 2012 kasabay ng selebrasyon ng Ginintuang Hubileo ng Diyosesis ng Imus.