City of Imus

kAAlalay SA UNDAS 2022



October 31 - November 1



IMUS, Cavite — kAAlalay sa Undas ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng mga Imuseño sa kanilang pagdalaw sa mga yumaong mahal sa buhay nitong Oktubre 31 at Nobyembre 1, 2022.

Siniguro ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang maayos na pagpapatupad ng naturang programa at ang pamamalakad ng mga namumuno sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod sa kaniyang pag-iikot.

Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga command post, libreng serbisyo ang natanggap ng mga Imuseño, kabilang na ang wheelchair assistance, charging station, first aid, libreng gamot, libreng text at call, libreng tubig na maiinom, libreng kape, at lost and found station.

Niluwagan man ang COVID-19 protocols, limitado pa rin ang oras ng pagdalaw sa mga sementeryo, memorial park, at columbarium. Kailangan din na kumpleto sa bakuna ang mga bumisita, at ipinagbawal ang mga bagay na maaaring maging sanhi ng sunog, ang matutulis na bagay, ang pag-iingay, at ang pagsusugal.

Ngayong Undas, naging ligtas at payapa ang pagbisita ng mga Imuseño sa kani-kanilang mga pumanaw na kaanak sa kanilang pakikiisa sa mga alituntunin ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.